What Makes You Beautiful

You don't know you're beautiful, If only you saw what I can see, You'll understand why I want you so desperately, Right now I'm looking at you and I can't believe, You don't know, Oh oh, You don't know you're beautiful, Oh oh, That's what makes you beautiful

Friday, January 13, 2012

Random Thoughts ni yOndits No. 2

Pressure cooker

Kanino nga ba natin dapat sabihin yung mga bagay na gusto nating sabihin? Yung mga chismis na gusto mong ichika? Yung problemang kinikimkim mo? Yung nabalitaan mo tungkol sa kaklase mong nabuntis ng walang bf? Kanino nga ba?

Sabe nila healthy daw sa state of mind ng tao yung merung outlet, yung may nasasabihan ng mga bagay na gusto mong sabihin, tulad ng mga problema sa buhay, sa lovelife, sa school, sa kapitbahay, sa sarili, at marami pang ibang bagay. Kung ang pressure cooker nga naman eh walang singawan, sasabog yun. Parang tao lng din. Kailangan ang tao, may outlet din, may napaglalabasan ng pressure sa katawan. Pero ang pressure cooker, pag malaki ang butas, di na nya mapapalambot yung inaasam mong bulalo na ulam nyu sana mamayang gabi.

Ganun din saten. May limitasyon din dapat tayo sa mga sinasabe natin. Di porke't galit ka dahil sinumbong ka ng isang tao sa nanay mo na nakipag-inuman ka sa mga lalaking mababaho eh ikukwento mo na sa katabi mong di mo naman kilala na pumapatol sya sa DOM. Tandaan, yung pressure sa loob ng pressure cooker yung dahilan kung bat mo sya ginamit. Yung pressure na yun yung nagpalambot ng nasa loob nito.

Kahit pa kating-kati kang itweet sa twitter yung kalungkutang nararamdaman mo, yung galit na nasa puso mo, yung silakbo ng damdamin mo, dapat estimahin mo muna yung mga sasabihin mo. Mamili ng taong pwedeng pag-sabihan, yung taong di lng basta mapagkakatiwalaan, yung taong may kapasidad din na maintindihan at di mamimisinterpret yung sasabihin mo. Ipopost mo sa facebook na masakit ang tyan mo at nag-susuka ka, tapus galit na galit ka nung tinanung ka ng kaklase mo kung buntis ka ba. Hiyang hiya naman ako sayo non.

At isa pa, sa mga bagay na di ka sigurado at nasabe mo dahil sa galit, panu kung nagkakamali ka lng pala? Panu kung mali ka ng akala? Eh di ikaw masama. Hindi mo naman pwedeng sabihin na namali ka lang pala ng intindi sa officemate mong kulang-kulang, matapos mong ipagkalat na peke yung boobs ng babaeng nakakiyakis umano sa boyfriend mo nung isang araw. Huli mo na lng nalaman, kapatid nya pala yon. Ang masama pa, flat-chested na nga si utol, yun pang hinaharap nya ang tinira mo. Olats na olats ka don.

Bottom line, kahit ano pa yang gusto mong sabihin, kahit gusto mo lng mag-labas ng sama ng loob, kahit pa ikaw yung tama, dapat nililimitahan pa din naten yung mga sinasabe natin. Sabi nga ng doktor ng ate kong yumao dahil sa diabetes(sumalangit nawa), hindi yung sakit yung nakakamatay, yung kumplikasyon. Kung ang pagsasabe ng isang bagay ay wala rin namang pagagalingin at pwedeng mag-dulot lng ng komplikasyon, wag mo na lang sabihin. I-greco mo yung bibig mo kung di mo talaga mapigilan. Makakabili nito sa Monumento, sa 11th ave sa Pingping Shoe Store.

Saturday, January 7, 2012

Random Thoughts ni yOndits No. 1

Ito ay mga bagay na gusto ko lang ishare. Wag nyung babasahin dahil walang kwenta tong mga bagay na to, lalo na para sa makikitid ang exophalagus vortex. Kaya kung makitid ang exophalagus vortex mo, wag mo nang basahin to. Baka awayin mo lang ako. Kakornihan lang to.

Random Thoughts ni yOndits No. 1

Kalungkutan

Ang bawat tao, may iba't ibang uri ng kalungkutan. May nalulungkot dahil heartbroken, merun naman dahil sa pamilya. Pero bakit nga ba iba-iba ang nagpapalungkot sa mga tao? Dahil ba sa pag-kakaiba ng environment naten? Sa pag-papalaki? O dahil nakatakda na ang mga bagay na ikalulungkot natin?

Kung ang aso nalulungkot pag-inagawan mo ng buto, parehas na kalungkutan din kaya yung mararanasan mo kapag ikaw yung inagawan ng buto? Hindi diba? Kase aso sya, ikaw eh tao. At kahit maging tao yung aso, mag-kaiba pa din ng level ng kalungkutan yung mararamdaman nyo. Bukod sa dati syang aso, ikaw ay ikaw, at sya ay sya. Walang dalawang taong eksaktong magkapareho sa lahat ng bagay.

Kung ako ang tatanungin, ang kalungkutan ko ay yung isa sa mga bagay na di ko ineexpect na ikalulungkot ko. Siguro ganun lang talaga ang buhay, kahit gaano ka pa ka-optimistic sa buhay, kahit gaano ka katapang nung pinag-tanggol mo yung gf mo sa shitzu nyong ulol, may point ng mag-eemo ka pa din. Yung pakiramdam na parang pinagkakaisahan ka ng mundo. Yung tipong nag-lalakad ka na lang pauwi sa bahay nyo at malungkot ka dahil binasted ka ng nililigwan mong kolehiyala, tapus biglang mapipigtas yung tsinelas mo kaya nalagyan ng putik yung sugat mo sa paa, na nkuha mo nung unang napigtasan ka ng tsinelas. Nakakainis diba. Parang gusto mong sundutin sa mata yung unang taong makakasalubong mo.

"What doesn't kill me makes me stronger.", ika nga sa isang pelikula. Pero panu kung di mo magamit yung kalungkutan mo para maging mas malakas na tao? Panu kung yung kalungkutan na yun yung lalong mag-pahina sayo? Posible diba? Kase di mo maapply ang isang prinsipyo sa lahat ng tao. Iba't iba tayo ng ugali. May mga taong inanod na ng baha ang bahay pero masayang masaya pa ring nakikipag-chikahan sa tinulugan nyang bahay. Merun din naman mga tao na dahil nakalimutang lagyan ng box yung final answer nya sa exam sa chemistry eh ngtangka ng uminom ng liquid sosa. Kumbaga, walang kalungkutan sa mundo na absolute. Di pare-pareho ang kinalulungkot ng tao. Hindi rin magka-lebel ng kalungkutan na naramdaman yung grupo ng mga dilag matapos sila ma-rape umano ng mga askal na nagfu-football.

Kung tutuusin, parte na ng buhay natin yung kalungkutan. Hindi sa nangungutya ako, pero yung may mga problema na lng sa pag-iisip yung alang nararadamang kalungkutan. Nasa sarili na lang natin kung pano ihahandle yung mga kalungkutan na yon, kahit sa palagay ko ay may mga tamang paraan din sa pag-handle nun. Pero ibang usapan na yon.

Kung nalulungkot ka. Okay yan. Ge tulog na ko. ^_^