Saturday, January 7, 2012

Random Thoughts ni yOndits No. 1

Ito ay mga bagay na gusto ko lang ishare. Wag nyung babasahin dahil walang kwenta tong mga bagay na to, lalo na para sa makikitid ang exophalagus vortex. Kaya kung makitid ang exophalagus vortex mo, wag mo nang basahin to. Baka awayin mo lang ako. Kakornihan lang to.

Random Thoughts ni yOndits No. 1

Kalungkutan

Ang bawat tao, may iba't ibang uri ng kalungkutan. May nalulungkot dahil heartbroken, merun naman dahil sa pamilya. Pero bakit nga ba iba-iba ang nagpapalungkot sa mga tao? Dahil ba sa pag-kakaiba ng environment naten? Sa pag-papalaki? O dahil nakatakda na ang mga bagay na ikalulungkot natin?

Kung ang aso nalulungkot pag-inagawan mo ng buto, parehas na kalungkutan din kaya yung mararanasan mo kapag ikaw yung inagawan ng buto? Hindi diba? Kase aso sya, ikaw eh tao. At kahit maging tao yung aso, mag-kaiba pa din ng level ng kalungkutan yung mararamdaman nyo. Bukod sa dati syang aso, ikaw ay ikaw, at sya ay sya. Walang dalawang taong eksaktong magkapareho sa lahat ng bagay.

Kung ako ang tatanungin, ang kalungkutan ko ay yung isa sa mga bagay na di ko ineexpect na ikalulungkot ko. Siguro ganun lang talaga ang buhay, kahit gaano ka pa ka-optimistic sa buhay, kahit gaano ka katapang nung pinag-tanggol mo yung gf mo sa shitzu nyong ulol, may point ng mag-eemo ka pa din. Yung pakiramdam na parang pinagkakaisahan ka ng mundo. Yung tipong nag-lalakad ka na lang pauwi sa bahay nyo at malungkot ka dahil binasted ka ng nililigwan mong kolehiyala, tapus biglang mapipigtas yung tsinelas mo kaya nalagyan ng putik yung sugat mo sa paa, na nkuha mo nung unang napigtasan ka ng tsinelas. Nakakainis diba. Parang gusto mong sundutin sa mata yung unang taong makakasalubong mo.

"What doesn't kill me makes me stronger.", ika nga sa isang pelikula. Pero panu kung di mo magamit yung kalungkutan mo para maging mas malakas na tao? Panu kung yung kalungkutan na yun yung lalong mag-pahina sayo? Posible diba? Kase di mo maapply ang isang prinsipyo sa lahat ng tao. Iba't iba tayo ng ugali. May mga taong inanod na ng baha ang bahay pero masayang masaya pa ring nakikipag-chikahan sa tinulugan nyang bahay. Merun din naman mga tao na dahil nakalimutang lagyan ng box yung final answer nya sa exam sa chemistry eh ngtangka ng uminom ng liquid sosa. Kumbaga, walang kalungkutan sa mundo na absolute. Di pare-pareho ang kinalulungkot ng tao. Hindi rin magka-lebel ng kalungkutan na naramdaman yung grupo ng mga dilag matapos sila ma-rape umano ng mga askal na nagfu-football.

Kung tutuusin, parte na ng buhay natin yung kalungkutan. Hindi sa nangungutya ako, pero yung may mga problema na lng sa pag-iisip yung alang nararadamang kalungkutan. Nasa sarili na lang natin kung pano ihahandle yung mga kalungkutan na yon, kahit sa palagay ko ay may mga tamang paraan din sa pag-handle nun. Pero ibang usapan na yon.

Kung nalulungkot ka. Okay yan. Ge tulog na ko. ^_^

0 comments:

Post a Comment