Kanino nga ba natin dapat sabihin yung mga bagay na gusto nating sabihin? Yung mga chismis na gusto mong ichika? Yung problemang kinikimkim mo? Yung nabalitaan mo tungkol sa kaklase mong nabuntis ng walang bf? Kanino nga ba?
Sabe nila healthy daw sa state of mind ng tao yung merung outlet, yung may nasasabihan ng mga bagay na gusto mong sabihin, tulad ng mga problema sa buhay, sa lovelife, sa school, sa kapitbahay, sa sarili, at marami pang ibang bagay. Kung ang pressure cooker nga naman eh walang singawan, sasabog yun. Parang tao lng din. Kailangan ang tao, may outlet din, may napaglalabasan ng pressure sa katawan. Pero ang pressure cooker, pag malaki ang butas, di na nya mapapalambot yung inaasam mong bulalo na ulam nyu sana mamayang gabi.
Ganun din saten. May limitasyon din dapat tayo sa mga sinasabe natin. Di porke't galit ka dahil sinumbong ka ng isang tao sa nanay mo na nakipag-inuman ka sa mga lalaking mababaho eh ikukwento mo na sa katabi mong di mo naman kilala na pumapatol sya sa DOM. Tandaan, yung pressure sa loob ng pressure cooker yung dahilan kung bat mo sya ginamit. Yung pressure na yun yung nagpalambot ng nasa loob nito.
Kahit pa kating-kati kang itweet sa twitter yung kalungkutang nararamdaman mo, yung galit na nasa puso mo, yung silakbo ng damdamin mo, dapat estimahin mo muna yung mga sasabihin mo. Mamili ng taong pwedeng pag-sabihan, yung taong di lng basta mapagkakatiwalaan, yung taong may kapasidad din na maintindihan at di mamimisinterpret yung sasabihin mo. Ipopost mo sa facebook na masakit ang tyan mo at nag-susuka ka, tapus galit na galit ka nung tinanung ka ng kaklase mo kung buntis ka ba. Hiyang hiya naman ako sayo non.
At isa pa, sa mga bagay na di ka sigurado at nasabe mo dahil sa galit, panu kung nagkakamali ka lng pala? Panu kung mali ka ng akala? Eh di ikaw masama. Hindi mo naman pwedeng sabihin na namali ka lang pala ng intindi sa officemate mong kulang-kulang, matapos mong ipagkalat na peke yung boobs ng babaeng nakakiyakis umano sa boyfriend mo nung isang araw. Huli mo na lng nalaman, kapatid nya pala yon. Ang masama pa, flat-chested na nga si utol, yun pang hinaharap nya ang tinira mo. Olats na olats ka don.
Bottom line, kahit ano pa yang gusto mong sabihin, kahit gusto mo lng mag-labas ng sama ng loob, kahit pa ikaw yung tama, dapat nililimitahan pa din naten yung mga sinasabe natin. Sabi nga ng doktor ng ate kong yumao dahil sa diabetes(sumalangit nawa), hindi yung sakit yung nakakamatay, yung kumplikasyon. Kung ang pagsasabe ng isang bagay ay wala rin namang pagagalingin at pwedeng mag-dulot lng ng komplikasyon, wag mo na lang sabihin. I-greco mo yung bibig mo kung di mo talaga mapigilan. Makakabili nito sa Monumento, sa 11th ave sa Pingping Shoe Store.